Saan ba naman kasi siya hahagilap ng pinya eh hindi naman kapanahunan ng pinya at sa oras na ngayon ay sarado na ang mga supermarket. Wala siyang nagawa kundi bumalik sa kuwarto nila. Dalangin niya lang ay tulog na ang kanyang asawa. Bagot na bagot na si Panyang sa kakahintay sa asawa pero kahit anong pilit ang gawing ipikit ang mata ay ayaw. Kaya dilat na dilat ang mata ng bumungad ang asawa. Nabigla si Xian ng makita nakatayo pa ang asawa habang pilit na minumulat ang mata. Nanlaki ang mata nito ng makita siya. "Asaan ang pinya sweetheart?" tanong agad ni Panyang sa kanya. Napakamot siya ng batok. "Sorry sweetheart wala akong nahanap eh. Alam mo namang hindi panahon ng pinya ngayon 'di ba? Kaya wala sa mga bangketa at ang grocery sarado na." Paliwanag niya sa kanyang asawa. Nanguno