"Arrrrrayyyy!" Sigaw ni Panyang nang maapakan ang sabong nabitiwan nang nabigla ang pagsigaw ng nobyo kanina. "Sweetheart okay ka lang ba diyan?" tanong ni Xian ng marinig ang palahaw nito. Namimilipit siya sa sakit ng balakang na bumagsak. "Sweetheart, okay ka lang ba?" Nag-aalakang boses na ni Xian na nasa may pintuhan. Nabahala na talaga si Xian ng walang marinig na tugon mula kay sa kasintahang nasa loob ng banyo. "Panyang?" Anang na niya baka sakaling sumagot ito pero puro kaluskos lang ang naririnig buhat sa loob. Mabilis na pinihit ang seradura ng pintuhan at bumukas. Nabungaran ang kasintahang nakaupo sa sahig. Hindi maipinta ang mukha nito. Nakatapis lang ito ng tuwalya at konting mali na galaw nito ay masisilipan na ito. Agad na dinaluhan ito. Kinuha ang isang tuwalya at b