Isahang lingon ang mga naroon matapos sabayang dumuwal ang dalawang kambal matapos ni Panyang. Ngiti ang makikita sa bawat labi ng mga ito. Ngiti tanda ng katuwaan sa kaalamang buntis na ang mga ito matapos ng halos magdadalawang buwang kasal. "Mga iha, naku baka hindi naman kami magkandaugaga ng papa niyong mag-alaga ng apo namin. Kapag nagkasabay-sabay kayo at mas lalo na kung kambal o tripplet din," anang ni Trining sa mga anak. "Naku, naririto naman kami balae," tugon naman ng mama ni Xian katabi ang kaibigang mama nina Joe at Zeus maging ang nakilalang magulang ni Kikay. "Kayang-kaya natin niyan mga balae. Naku kahit quadroplets pa iyan sa dami natin halos isang baranggay na," sabad ng ina-inahan ni Kikay. Nagtawanan ang mga naroroon. Tama nga naman ito, sayang nga lang at wala na