Today is Sera's birthday. “Kuya, are you done packing your things?” tanong ko kay kuya Archer. “Yep. Hinihintay ko na lang si mom,” sagot naman niya. Nasa living room kami ni kuya. Nag-aayos pa ng mga gamit si mommy sa kwarto at si daddy naman ay chine-check ang office niya dito sa bahay kung may nakaligtaan siyang mga papeles at dokumento. Tinabihan ko si kuya Archer at hiniga ang aking ulo sa kanyang balikat. Hinawakan ni kuya ang kamay ko. “Mag-ingat ka, princess. Hindi ka namin pwedeng isama dahil ito ang plano. Hindi pwedeng malaman ni Ceasar na umalis kami kung isasama ka namin.” “I understand, kuya. Mas importante rin sa akin ang safety nila mommy.” Kuya kissed my forehead. Then, lumabas si Markus mula sa kanyang kwarto at bumaba papunta rito sa living room. Sumunod si dad