Sabay kaming napatingin ni Ingrid kay Sera habang magkayakap. Napaawang ang bibig namin nang mapagtanto ang nangyari. Unti-unting napaluhod si Sera sa tabi ni Ceasar. Nabitawan niya ang kanyang hawak na baril habang nakatitig sa gawi namin. She shot herself in her stomach. “I-I didn’t mean to s-shot m-myself…” aniya habang umiiling ng mabilis, hanggang sa mapahiga siya sa tabi ni Ceasar. Now, both of them are swimming on their own blood. Lalapit sana kami ni Ingrid ngunit pinigilan kami ni Pierre. “She’s still alive. Let her die,” seryosong wika ni Pierre. “Pero—!” Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang lapitan ako ni Ares. “She did that to herself. Let her,” aniya sa akin. Niyakap ko si Ares at umiyak ng umiyak. Hindi ko aakalain na gagawin iyon ni Sera sa kanyang sa