Magsasalita sana si Sera ngunit inunahan na siya ni Ceasar kaya napatingin kaming pareho sa kanya. “Ares, hijo, huwag ka namang masyadong matigas sa apo ko,” he said calmly. Kinuha niya iyong kanyang tungkod at nagsimula itong lumakad papunta sa gawi namin ni Sera malapit sa may pinto. “She’s only asking a simple favor from you,” aniya pa. Simple favor? These two are truly relatives because they’re both insane. Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang na sabihin ni Ceasar ang kanyang nais. Knowing this old man, ayaw niyang sinasalungat siya kapag siya’y nagsasalita. “Mag-uusap tayo sa ibang araw, Ares,” sambit ni Ceasar. I’m having a conversation with my granddaughter at this moment. I expect you coming back in my office tomorrow,” he added. “Apo, ituloy natin ang ating usapan. Halika,”