CHAPTER 42 Cathalina Evone Gunner’s POV “Uminom muna kayo ng pineapple juice sis.” Inagat ko ng tingin si Melen na huminto sa likod ng Freedtot habang may kapit-kapit s’yang stainless steel tray. Nilapag n’ya iyon sa mesa. “Thanks Miss,” pormal na sagot ng yawa at kinapitan na ang dalawang baso sabay nilapag sa harapan ko 'yong isa. “Naliligo pa ba si Mister Huston?” tanong ko at nakita kong tumango si Melen habang naka-ngiti. Gusto ko s’yang tanungin kung sinilip n’ya ba dahil kakaiba ang ngiti n’ya pero andito ang yawa kaya ‘wag na lang. Pag-katapos ng batuhan kanina, malamang dito ang susunod na destinas’yon. “Bakit naka-busangot ang mukha mo sis? Hindi ka ba masaya at nandito ‘yong palalabs mo?” panunuksong tanong n’ya. “She’s getting uglier, right?” sabi naman ng Freedtot sab