CHAPTER 27 Cathalina Evone Gunner’s POV KINAUMAGAHAN... NAGISING na lang ako dahil parang may nalanghap akong kakaibang amoy. Unti-unti ko namang minulat ang mga mata ko sabay naginat at base sa naamoy ko, parang may nagluluto yata sa kusina. Inalis ko muna ang kumot na nakatakip sa katawan ko at dahan-dahang umupo sa kama sabay humikab. Napabaling naman ang titig ko sa bintana na dito lang sa gilid banda ng kama ko pero may kalayuan. Kahit may kurtina, wala naman akong nakitang sinag ng araw kaya base sa lamig na nararamdaman ko ngayon, maaga pa naman. S’yanga pala, wala akong magawa kagabi kaya kinulambuan ko na lang si Freed doon sa sala at binigyan ko rin s’ya ng dalawang unan, at extrang kumot kumot. Humikab uli ako bago tumayo at sabay kinapa ang pam-bahay kong tsinelas gamit