CHAPTER 46 (Mapanakit chapters are comming...) MAKALIPAS ANG ILANG LINGGO... Cathalina Evone Gunner’s POV “Cathhh! Ito ba ‘yong bahay n’yo? Grabe ang gara!” ‘Yan ang bungad ni Honey na’ng maka-pasok na kami sa ground floor. “Pero sigurado ka ba talagang dito ako titira? Walang magagalit?” Sunod-sunod n’yang tanong habang iniikot ang paningin sa iba’t-ibang sulok ng bahay. “Oo nga, ilang beses ko na’ng sinabi sa ‘yo,” tugon ko sabay nilingon ang dalawang tauhan ni Dad na hiniram ko muna. Kapit-kapit nila ang mga mga bagahe namin. “Salamat po, paki hatid na lang ang mga gamit namin sa itaas,” magalang kong utos. “Yes, Senyorita,” sagot nila sabay nag-lakad patungong hagdan. “Cath, mga butler ba ‘yan? Grabe Cath, kung okay lang sa ‘yo... maninilbihan na lang ako dito bilang maid,” p