CHAPTER 44 LUMIPAS ANG MGA ORAS... Cathalina Evone Gunner’s POV “Freed, parang good mood ka ata? May good news ba?” tanong ko habang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri sa kamay. Bumibiyahe na kami ngayon pauwi pag-katapos naming mamitas at kumain ng pananghalian. Pero, hindi namin kasama si Mister Huston tapos si Melen naman, ayaw umuwi kaya wala naman magagawa kundi hayaan na lang s’ya. Isa pa, tumutulong s’ya ‘dun sa pag-lu-luto kaya pinabayaan ko na lang ‘yon. Alam ko naman ang dahilan kung bakit ayaw n’yang sumama pauwi eh. “Oy Freed, nakikinig ka ba sa ‘kin?” tanong ko pa. Pansin ko lang, parang ilang beses ko ‘to nahuli kanina na naka-ngisi mag-isa at hanggang sa sumakay kami ng kotse, hum s’ya ng hum ng kanta na hindi ko alam. “Nothing darling, is there something wrong