CHAPTER 49.1 Note: Pag wala po akong update, automatic nagaaral po ako. Wait patiently po, thanks for waiting. <3 Cathalina Evone Gunner’s POV UNTI-UNTING nagising ang diwa ko na’ng may narinig akong kalabog. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko sabay napa-titig sa presens’yang nararamdaman ko dito sa loob. Naaninag ko agad si Melen na may hawak-hawak na feather duster at ginagalaw-glaw n’ya iyon sa ibabaw ng cabinet. Napa-pikit ako ng bahagya dahil sa ilaw na naka-set up sa kisame. “M-Melen? Naka-tulog ako?” Unti-unti akong bumangon sa pagka-ka-higa sabay umupo sa kama at humikab. “Hindi ba halata sis? 6:12 pm na kaya, nahihiya akong gisingin ka dahil baka maabala ko ang pagpapahinga—“ “ANO?! ALA SAIS NA?!” Napa-sigaw ako ng wala sa oras sabay nilingon ang bintana sa likod