CHAPTER 48.2 Cathalina Evone Gunner’s POV “Freed, kumain ka muna. Nag-luto ako ng simpleng agahan,” naka-ngiting saad ko sabay nilapag ang kapit-kapit kong lunch box sa office table n’ya. Habang s’ya naman ay naka-titig ng seryoso sa mga papel na hawak ng kanang kamay n’ya. “I ate my breakfast already,” malamig n’yang tugon sabay nilapag ang isang papel sa gilid at nakita kong dinampot n’ya ang anti-radiation eyeglasses sabay isinuot iyon. “Ganu’n ba? So, kainin mo na lang ‘to pag nagutom ka ulit,” tugon ko sa masiglang pananalita. “Ok,” maikling tugon n’ya at naka-titig na s’ya ngayon sa screen ng laptop. “You can go now, I am busy,” walang ganang saad pa n’ya. Palihim akong bumuntong hininga at hinila ang swivel chair sabay umupo. “Dito muna ako, Freed,” mahinahon kong tugon. B