LAST CHAPTER Special Note: May story po si Mister Huston at Melendice. Title: Seducing The Elusive Billionaire. (Pinalitan ko po ang Title) Cathalina Evone Gunner’s POV Weeks later... NANLALAMIG ang mga kamay ko na’ng unti-unting bumukas ang malaking trangkahan ng simbahan. Kasunod no’n ay narinig ko agad ang live wedding instrumental music sa loob at bumungad sa ‘kin ang engrandeng set-up na ilang araw bago pa natapos. Pinuno ang kalawakan ng simbahan ng pink and blue roses na nanggaling pa sa England na si Miss Belinda pa ang bumili. Nakita ko rin ang mga naka-arkong bakal na pinuno ng mga binanggit na bulaklak. Naka-set-up ang mga iyon kahabaan ng magkabilang gilid ng red carpet. Kapansin-pansin din ang light orange na chandelier sa kisame ng simbahan nag-bigay highlight sa kaaki