CHAPTER 47.1 Cathalina Evone Gunner’s POV UNTI-UNTING nan-lamig ang mga kamay ko. “Who are you?” matigas na tanong ni Mister Huston. Sinalin ni Chelsea ang atens’yon sa kan’ya at nakita kong mas lalo s’yang napa-ngisi habang pinagmamasdan si Mister Huston. “So, ito ang sinasabi ni Miss Huston na fiancée mo? But she’s the girlfriend of your... friend, alam ba ‘to ng Boyfriend mo? Miss Cathalina?” maarteng tanong n’ya. Kinuyom ko ang mga kamao ko. “I said, who are you,” maawtoridad na utos ni Mister Huston. Nakita kong nag-flip ng hair ang Chelsea sabay hinila bahagya ang upuan sabay umupo sa harapan namin. “Well, my parents has connection you know? Your mom invited us here,” mahinhin n’yang tugon sabay kinindatan si Mister Huston. “I know, Freed has no idea about this... now, shou