Final Chapter Inabot ko ang tie ni Dale at saka isinuot sa kanya. Napanguso na lang ako habang isinusuot ko sa kanya ang necktie niya dahil titig na titig pa rin siya sa akin. I knew what he meant by his seductive stares. Pero hindi na niya mababago pa ang isip ko. “Hon, tatlong araw ka nang hindi pumapasok sa opisina. Matatambakan ka na ng trabaho,” Mariin kong paalala sa kanya. Simula kasi na nanggaling kami sa Penthouse niya ay ayaw raw muna niyang pumasok. Magdamag kaming nanatili sa Penthouse niya bago umuwi sa bahay. Pagdating namin doon ay ibang kasambahay na ang sumalubong sa’min. He didn’t tell me the details but he said na inirekomenda niya sa ibang trabaho si Luisa. Part of me felt contented. Dahil kahit may bitterness ako sa babae na iyon ay malulungkot naman ako kung mawawal