HINDI KO alam kung bakit, pero titig na titig sa’kin sina Aaliyah at Susan habang kumakain ako ng singkamas na sinasawsaw ko pa sa kalamansi. Ngumingiwi sila sa kada subo ko. I found myself giggling. “Ati hindi ka pa ba nabubusog d’yan? Nakakailang balik ka na kaya.” Ani Susan. Nakapangalumbaba pa siya sa lamensa na akala mo'y para akong palabas sa TV. Kumunot ang noo ko at kumagat muli ng singkamas. “Hindi naman ako tataba rito.” “Hala siya! Kanina ka pa kaya kumakain. Iyong kanin mo tatlong plato na..akala ko diet ka?” Tanong niyang muli. Nagkibit balikat ako. “Hindi naman ‘to araw-araw. Natatakam ako e.” Napapansin ko rin naman na madali akong magutom. Kaninang umaga pa nga ay halos maubos ko ang isang loaf ng tinapay. May nakita akong chocolate powder at hotdog kaya nilagay ko iyo