NAALIMPUNGATAN ako ng gising dahil sa tunog ng aking cellphone. Inaantok pa ako pero tila ang kulit kulit ng kung sino mang tumatawag sa akin! Nakapikit kong inabot ang phone na nakapatong sa lampshade stand. “Hello..” Sagot ko kaagad ng hindi tinitingnan kung sino ang caller. Pakiramdam ko nag boses lalaki pa ako dahil sa pagkagroggy ng boses ko. “Goodmorning honey ko! Ayoko sanang istorbohin ka sa pagtulog pero pwede mo ba akong pagbuksan ng pinto?” Malambing nitong sagot. Honey ko. Nag-iisa lang siyang tumatawag sa akin ng ganyan. Teka, ano’ng ginagawa niya sa pintuan? Nagkusot ako ng mga mata ko at bahagyang nagising na ang diwa. Ilang segundo akong hindi sumagot dahil bumangon na ako para bumaba. Panadalian akong nanibago sa katahimikan ng bahay. Ako na lang kasi mag-isa ngayon d