Kabanata XXXVIII PART 2 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA WALA SIYANG kibo habang nagbabayad sa counter. Ako naman ay wala ring kibo dahil nag-oobserba lang ako sa kaniyang mga galaw. Dalawang karton ang aming dala at hawak niya iyon palabas. "Tulungan na kita." Sabi ko ngunit hindi niya binitawan ang isang karton. Imbes ay naglakad lang siya at hindi humihinto. Pumara siya ng tricycle at saka isinakay ang dalawang karton ng aming pinamili. "Sumakay ka na. Ito ang susi, mauna ka na, susunod ako." Seryoso niyang wika. "Saan ka pupunta?" Tanong ko. "Hindi