KABANATA L PART 2 PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. ACE AIDEN FLASHBACK "ACE! Sumunod ka sa sinasabi ko sa'yo. Kung hindi ay makalagot ka sa akin!" Ito ang wika ni Mathilde nang ako ay papasukin niya sa kwarto ko. Papasok sana ako sa school ngunit heto at kay aga-aga, nagsusugal na naman sila dito sa bahay. "Mayroon po akong pasok." "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na huwag kang papasok ngayon? Ipinapahiya mo ako sa mga amiga ko!" Pinanlisikan niya ako ng mata at saka ako idinuro-duro. Hawak-hawak ka ang backpack ko at saka ako nagpumilit na umalis ngunit sinigawan ako ni Mathilde. "Ace!" Mangiyak-ngiyak akong bumalik sa kw