KABANATA LIII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. THREE DAYS LATER KATARINA "HUWAG KANG MALIKOT!" "Eh namimiss nga kasi kita." "Araw-araw tayong magkasama, namimiss mo agad ako." "Namimiss kitang katabi sa higaan." "Tapos kapag namimiss mo ako kailangan ay dapat malikot ka?" "Ang sungit naman nito. Bahala ka, hindi ako yayakap sa'yo." "Yakap lang kasi, huwag nang malikot. Di mapakali ang paa mo eh." "Eh gusto ko ipatong sa'yo." "Ikaw ha, masyado ka na!" Kanina ko pa siya kinukulit habang nasa higaan kami. Kahapon pa ako lumabas sa ospital at ayon sa doctor a