KABANATA XLIX PART 1 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA AYAW KO muna siyang gisingin dahil gusto ko siyang magpahinga. Gusto ko rin siyang mag-take ng vitamins at masustansyang mga pagkain para makatulong na rin kahit papaano. Kung ganoon ang pinagdadaanan niya ay talagang mahirap sa kaniyang sitwasyon ang lahat. Lalo pa at hindi niya magawang sabihin sa akin, siguro ay dahil baka isipin niyang iiwanan ko siya kapag nalaman kong mayroon siyang problema sa reproductive organ niya. Gusto kong manghina dahil sa nalaman ko pero hindi ako dapat panghinaan ng loob,