Kabanata XXXVII PART 2 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA "BAKIT HINDI KAYO PUMASOK?" Nagkakatitigan kami ni Emerald habang nasa pagitan naming dalawa si Ace na ngayon ay galit. Katatapos niya lang magpagupit at bagay na bagay sa kaniya ang gupit niya ngayon. Mas lalo siyang gumwapo. "Bagay iyang gupit mo, pa." "Hindi ko tinatanong iyan." Kasabay nito ay ang paglagapak ng palad niya sa mesa na kapwa namin ikinagulat ni Emerald. "Ikaw Emeng, akala ko ba nag-aaral ka? Bakit nandito kayo? At ikaw naman babae, kay aga aga kitang hinatid, tapos makikita kita di