HINDI agad sumagot si Esmeralda, bagkus tumitig ito sa mukha ng binata at sinundan ng mapaklang ngiti. “Wala naman. Nagdasal lang ako na sana huminto muna ang oras kahit ngayon lang,” tugon nito, na may malalim na pinaghuhugutan. Dahil sa mga, salitang binitiwan ng dalaga ay nakaramdam ng awa si Darwin. Natanto niya na malungkot ang buhay ni Esmeralda, na marami ang kulang sa buhay niya. “Kung hindi ka busy ay puwede namang dito muna tayo at ubusin natin ang paninda ni manong,’ pagbibiro na pahayag ni Darwin. Ngumiti naman ang tindero sa biro niya. “HMMM… . Kailangan kong bumangon nang maaga bukas, pupunta ako sa baryo namin. Dadalawin ko ang aking tatay at kapatid,” pahayag niya. Biglang napatingin si Darwin sa mukha niya, “Akala ko ba patay na ang tatay ay kapatid niya! Hmmm… i