NAPUTOL ang pagmumuni-muni ni Esmeralda nang lumapit ang tiyahin niya. “Esme, magpahinga ka muna. Alas-dos na nang madaling araw,” mungkahi ng tiyahin niya. “Okay lang ako, Auntie Faith. Kaya pa nang aking mga mata,” tugon niya. “Kung ganoon, samahan na lang kita dito,” presenta nito. “Ilang araw pala ang balak mong lamayan si Edgar? malungkot na tanong ng tiyahin niya. “Bukas ilibing na natin siya, tiya,” seryoso nitong tugon. KINABUKASAN ay hinatid nila si Edgar sa huling hantungan. Inilibing ito sa tabi ng ama niya. “Tay Mando, kasama mo na si Edgar ngayon. Patawarin mo ako, hindi ko nagawa na protektahan ang aking kapatid. Kung nasaan man kayong dalawa ngayon, sana masaya kayo. At sana gabayan ninyo akong dalawa, lalo na't mag-isa na lang ako ngayon—” “Nandito ako, Esme.