NABIGLA si Esmeralda at hindi agad nakakapagsalita, ngunit nang siya’y mahimasmasan. “Darwinnnn… Darwinnnnn…” paulit-ulit niyang sigaw. Hindi pa man siya sumisigaw ay nakita na ni Darwin ang pangyayari, kaya nagmamadali itong bumaba sa sasakyan niya. Subalit hindi niya naabutan, sapagkat nakasakay na si Tiagi sa sasakyan niya na tangay si Esmeralda. Kaya agad siyang bumalik sa sasaktan niya upang habulin ang sasakyan ni Tiago. “Humanda ka sa akin, Tiago!” Galit na banta ni Darwin, na tanging siya lang ang nakarinig. Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan sa bilis ng takbo nito, mahabol lamang ang sasakyan ni Tiago. SA LOOB naman ng sasakyan ni Tiago, nagwawala si Esmeralda, at galit na galit ito sa ninong niya. “Ibaba mo ako, ninong! Saan mo ba ako dalhin?!” Galit niyang