ANONYMOUS ang tumawag kay Tiago. “Sino kaya ito?” bulong niyang tanong sa sarili. Nagdadalawang-isip pa siya, sa simula, ngunit kalaunan ay sinagot niya ang tawag. “Hello!” boses niya. “Honey — It's me. Your wife, Haruka!” Pakilala sa kabilang linya. Wala sa oras na tumayo si Tiago at dali-daling lumayo sa hapag-kainan. Ngunit sumenyas siya sa inaanak na sasagutin muna niya ang tawag. Naiwan na mag-isa si Esmeralda sa lamesa na mag-isa. Napansin naman ng katulong na wala ang amo niya, sa hapag-kainan kaya agad niyang nilapitan ang dalaga. “Ano ka ba ni, Sir Tiago?” walang pakundangan niyang tanong. “Kumunot agad ang noo ni Esmeralda. “Bakit mo naitanong?!” balik tanong niya. Nasa tinig nito ang pagiging sublada. “Naitanong ko lang dahil ang sweet niya sa iyo, para kayong hindi