NAPATAY NI MOISES SI EDGAR

1206 Words

NATULALA si Esmeralda nang marinig niya ang putok ng baril. “Edgaaar…” sigaw ng nanay nila. “Edgar… Edgar… Edgar!” wala sa isip niyang paulit-ulit na sambit sa pangalan ng kapatid niya. “Esme — Anong nangyari?!” bulalas na tanong ni Tiago, at niyugyog niya ang inaanak. Sapagkat tila wala ito sa sarili. “Ninong — Bumalik tayo sa Davao! May nangyari kay Edgar na hindi maganda!” balisa niyang sabi. “Ano'ng ibig mong sabihin?!” gulat na tanong nito. “H-humingi ng tulong si Edgar, at narinig ko ang putok ng baril at ang sigaw ni nanay!” kinabahan niyang sumbong. “Ano?!” Gulantang ang naging reaksyon ni Tiago. Dali-dali niyang inutusan ang tauhan na bumalik sa Davao. “Edgar… Edgar…” paulit-ulit niyang sambit sa pangalan ng kapatid. Wala ring tigil ang pag-agos ng mga luha niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD