INUTUSAN ni Tiago si Darwin na iliko ang sasakyan sa kaliwang kalye, na sakto lang ang isang sasakyan na magkasya. “Nandito na tayo,” mahinahon na wika ni Tiago. Agad naman na pinarada ni Darwin ang sasakyan. “Marami bang tauhan si Haruka?” tanong niya kay Tiago. “Hindi ako sigurado. Pero malamang sa malamang mayroon siyang eksklusibong mga tauhan. Kaya mag-ingat ka,” tugon niya rito. “Kailangan mo ito.” Sabay abot ni Darwin sa baril ni Tiago. Napatingin si Tiago sa mukha ni Darwin bago ito nagsalita. “Salamat!” aniya. Takbo-lakad ang ginawa nilang dalawa, sapagkat distansya pa ang layo ng warehouse. Hanggang sa nasa tapat na sila ng malaking gate, na lampas ulo ang tayod nito. Dahilan upang hindi matanaw ang galaw sa loob. Dahan-dahan na tinulak ni Tiago ang gate at nakabukas
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books