NAGTATAKA si Esmeralda, dahil iba ang direksyon ng daan na kanilang binaybay. Hindi ito papunta sa bahay ng ninong niya. “Ninong…” sambit niya. Ang tingin nito ay sa daan naka sentro. “Uhm?” tugon naman ng ninong niya. Hindi ito tumingin sa kanya sapagkat pokus ito sa pagmamaneho. “Hindi ito ang daan papuntang bahay mo,” aniya. Nakatingin ito sa ninong niya, ngunit hindi man lang siya nilingon. “Ibang lugar ang pupuntahan natin.” Seryoso pa rin ito sa pagmamaneho. “Saan?” pagtataka niyang tanong. “Basta. Malalaman mo mamaya,” tugon nito. Biglang kinabahan si Esmeralda at naninibago siya sa inaasta ng ninong niya. Sapagkat para itong sinaniban ng kaluluwa seryoso. “NINONG—” Napalingon bigla si Tiago dahil sa tulis ng tinig ng inaanak niya. Sumigaw kasi ito. “Bakit ka sumig