BAHAGYANG tumahimik si Esme, at kumuha ng lakas upang maipaliwanag niya nang maayos. “Ganito kasi iyon, kailangan ni tatay ng malaking halaga para sa agarang operasyon. Noong panahon na iyon, kakauwi lang ni Ninong Tiago galing abroad. Wala na akong ibang malapitan kundi siya lang. Isang sabi ko lang, pinahirap niya ako agad. Para wala na akong ibang isipin na babayaran. inalok ko na lang ang aking sarili at tinanggap naman niya. Ang masaki, hindi ko nagamit ang pera para kay tatay. Sapagkat noong dumating kami sa hospital, pumanaw na siya. Si ninong ang umako sa lahat ng mga gastusin sa pagpapalibing. Binigyan niya ng maayo na libing ang aking tatay. Nangako rin siya sa akin na hindi niya ako pababayaan, kahit ang pag-aaral ko, siya na ang sasagot. Naisip ko, wala naman siyang asawa k