NARINIG niya ang buhos ng tubig, kaya nasiguro nito na nasa loob ng banyo ang inaanak niya. Dali-dali siyang bumaba upang kumuha ng gatas, para mayroon siyang dahilan upang makapasok muli sa kwarto. Isang basong gatas ang kanyang bitbit. Akmang aakyat na siya sa itaas nang mayroong isang imahe ang nakatayo sa dilim. Dali-dali niyang binuhay ang ilaw. “Nancy!” gulat niyang bulalas. “Good evening, sir!” Titig na titig siya sa amo at nakasuot ito ng manipis at maikling short. Bakat na bakat pa ang harapan nito, halatang inaakit niya ang amo. “Bumalik ka na sa kwarto mo! Dahil may bisita ako!” mabagsik na utos ni Tiago. Bahagya pa niyang kinabig ang katulong, at muntik itong matumba. Nagkasalubong ang kilay ng katulong at kumunot ang noo nito sa sobrang inis. “Sino kaya ang bisita ni,