"Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" bungad ni papa na kapapasok lang ng kwarto ko. 7 months, healthy naman kami ng mga anak ko. Mga anak. It's a twins. May baby boy and baby girl na kami ni Theo. Pitong buwan na ang tiyan ko, gano'n din katagal na hindi ko nakita si Theo. Wala na akong balita. Sa totoo lang ay gustong-gusto kong makibalita, ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. "Okay naman po, pa. Kaso nabibigatan na ako sa katawan ko." Reklamo ko saka pinilit tumayo. Pero mabilis itong umalalay sa akin. Pitong buwan pa lang pero hirap na hirap na akong tumayo. Si papa... siya ang nag-provide ng lahat ng cravings ko. Sa totoo lang may parte sa akin na nagdududa na kay Theo. Si papa iyong nasa tabi ko na dapat ay siya. Pero pinagalitan ko rin ang sarili ko. Nagbubuwis ng buhay iyong ta