"Just make sure na naitago n'yo na ang mga delikadong bagay na possible nilang makuha." Nahinto ako sa paglalakad. Pagkatapos ng wine session ay isinama ako ni Theo sa kwarto n'ya. Wala kaming ginawa, ah. Naligo lang ako at isinuot iyong ibinigay na damit ni Isabella. Mas naunang lumabas si Theo dahil tinawag siya ng dad n'ya. "Dad, relax! Siguro naman ay kokontrolin nila mom ang pag-inom." Nakita ko si Kuya Uno. Siya ang sumagot no'n. "Come on, son! Parang hindi n'yo pa rin kilala ang mommy n'yo pagdating sa alak." "Naitabi naman na, dad. Saka ready na rin ang garden kung saan sila pupwesto." "Eh iyong pwesto natin?" "Ready na rin po." Pinag-uusapan nila ng seryoso ang ganitong bagay? Seryoso? Nang mapansin ako ni Theo... ang kaninang seryoso n'yang mukha ay agad na waring lumiwan