Happiness "Mommy Keia!" magiliw na bati ko sa ginang pagpasok namin sa mansion ng mga ito rito sa The Alpha's town. Nakahawak sa magkabilang kamay ko ang kambal na sina Bennett and Alaia. Tatlong taon na sila. Pero hindi pa nasundan. Pareho naming desisyon iyon ni Theo, lalo't gusto naming ibigay sa kambal ang buong atensyon namin. "Nandito na pala ang mundo ni Theo." Malawak ang ngiti nito. Mundo? Oo, kami nga raw ang mundo ni Theo. Kami rin ang buhay nito at araw-araw kong naririnig iyon sa lalaki. "Mommy, ayaw pong sumama ng mga bata sa office ni Theo. Kaya ako lang po ang pupunta. Sure po ba kayo na okay lang sila rito?" "Of course, Happiness. Kasiyahan ng isang mommy la na tulad ko ang magbantay sa mga apo ko. May mga yaya rin naman na kasama ko rito kaya okay lang." Agad nang