"Ma'am, second day mo na ito. Alak ulit?" tinignan ko ang babae na naghatid ng request kong alak. Lily. Iyon ang nakalagay na pangalan sa name plate nito. "Nakikialam ka ba, Lily?" tanong ko rito. Sabog ang buhok, wala pang ligo, hindi pa nga ako naghilamos. Nananakit din ang kamay ko dahil sa sugat ko roon na parang na infection na. "Hindi naman po. Worried lang po, ma'am." "Hindi mo kailangan mag-alala. Babayaran ko naman lahat." Itinulak nito ang cart papasok. "Hala! Basag ang TV, ma'am." Exaggerated na bulalas nito. Dumampot ako ng isang bote at diretsong ibinato sa malaking vase. Basag ang bote na may lamang alak, basag din ang vase. "Kaya kong magbayad. Leave." Napakamot sa ulo ang staff ng hotel. "Obvious naman po na kaya n'yong magbayad. Pero ma'am, baka naman ma-trau