Chapter 2

1473 Words
CHAPTER 2 Mabilis kaming nakarating ni Nathan sa bahay ko dahil sobrang bilis din naman ng kanyang pagpapatakbo ng sasakyan, halos kumapit na rin ako sa hawakan kanina pero hindi na rin ako nagsalita. Ayaw kong dagdagan ang pagtatalo namin dahil balak ko pang gamutin ang sugat n'ya, and knowing Nathan, malamang na magsusungit lang s'ya kung kokontrahin ko pa ang gusto n'ya. Nakakapagngitngit lang talaga dahil ni hindi man lang n'ya ako binigyan ng pagkakataon na magtanong kung bakit n'ya nasabi na ayaw n'yang maging responsable ako sa mga sugat n'ya samantalang ako naman yung may kasalanan kung bakit nakipagsuntukan s'ya sa mga carnapper kanina. Mabilis na akong bumaba ng sasakyan pagkahinto namin sa tapat ng bahay ko saka kinuha ang susi sa sling bag na dala. Hinintay ko muna si Nathan at sabay na rin kaming pumasok ng bahay. "Upo ka muna, may kukunin lang ako." Sabi ko sa kanya pagkapasok sa sala. Napatingin si Nathan sa akin habang nakakunot ang noo. "If it's a first aid kit then don't bother, I can treat myself." Sabi n'ya pero inirapan ko lang saka nagtuloy sa CR kung nasaan ang medicine cabinet. Kumuha lamang ako ng bulak at betadine pati band aid saka mabilis na ring nagbalik sa kanya. Naabutan ko s'yang nakahilig sa sofa at nakapikit. Tumabi muna ako sa kanya bago ko s'ya kinalabit. "Oh, wag ka nang maarte d'yan, gagamutin ko lang yung sugat mo." Agaran ko nang sabi nang tumingin s'ya ng masama sa hawak ko. "Alice, I told you I can treat myself." Masungit n'yang sabi at ambang tatayo pero inagapan ko na at hinawakan ko s'ya sa braso. "Nathan, pwede ba? Alam kong kaya mong gamutin yang sugat mo, but could you please at least let me do this? Isipin mo na lang na bayad ko 'to sa ginawa mo para sa sasakyan ko." Sabi ko at napa-tsk s'ya bago sumandal ulit. "Di ko kailangan ng bayad mo." Sabi n'ya pero nginisihan ko na lang. "Whatever." Bulong ko, sort of mocking him, tiningnan n'ya na naman ako ng masama pero nginitian ko nalang s'ya. Pumikit na ulit si Nathan habang ginagamot ko s'ya at paminsan minsan s'yang napapakislot kapag napapadiin ang pagdampi ko ng bulak sa balat n'ya. Nang malapit na akong matapos, biglang dumilat si Nathan at tumitig sa akin. Nung una, hindi ko muna pinansin iyon dahil akala ko ay titingnan n'ya lang kung ano'ng ginagawa ko pero nang medyo nagtagal na ay na-conscious na ako. Pasimple akong naglagay ng kaunting betadine sa bulak para saglit na itago ang mukha ko sa kanya, pero pagbalik ng mga mata ko sa mukha n'ya ay nakatitig pa rin s'ya sa akin. Napansin ko rin na bahagyang nakaawang ang mga labi n'ya. Napalunok ako nang hindi namamalayan saka pinilit na lang na tapusin ang paggamot ko sa kanya. Nang matapos ako sa betadine, kinuha ko naman ang band aid at no choice na tumingin na ng diretso sa kanyang mga mata. "Okay lang lagyan ng band aid yung sugat mo o huwag na?" Tanong ko habang hindi makatingin ng tuloy-tuloy sa mga mata n'ya, samantalang s'ya ay walang patid ang pagtitig sa akin. Hinintay ko muna kung sasagot si Nathan o tapunan man lang ng tingin yung band aid na hawak ko but he never did. "Ahm, a-ayaw mo ba nitong band aid? Sige, itatago ko nalang." Sabi ko at akmang tatayo na pero maagap n'ya akong hinawakan sa braso. "Oh, akala ko ba gagamutin mo ako? Tapos ka na agad?" Nathan asked, at hindi ko alam kung seryoso ba s'ya o binibiro lang n'ya ako. "Tapos na kaya ako, gagaling na yan. Wag mo nalang kalimutang lagyan ng gamot o kahit anong ointment na meron ka sa condo mo para bumilis yung paggaling." "Ganun ba? Hmm, kung gusto kong ikaw ang maggamot nito palagi hanggang sa gumaling, papayag ka ba?" Tanong ni Nathan at parang may naglalarong emosyon sa mga mata n'ya but I couldn't get it. Napakunot ang noo ko saka umayos ng upo at isa-isang kinuha yung mga ginamit ko sa paggamot. "Nathan, walang problema sa'kin kung gagamutin kita, pero I don't think I can do that everyday since hindi naman din tayo araw-araw magkasama." I said and I felt him shrug. "No problem, we'll see each other everyday then." He said and I seriously wanted to ask him kung nagti-trip ba s'ya o ano. Para lang magamot ko s'ya, kailangan araw-araw na rin kaming magkikita? Tinitigan ko s'yang mabuti but I couldn't get any hint that he was just bluffing. Sa huli, ako rin lang ang nag-iwas ng tingin at tiningnan ang mga kamay kong may hawak ng bulak, betadine at band aid. "Alam mo Nathan, kung pinagti-trip-an mo ako, please lang, tumigil ka na. Magkaibigan tayo at gusto ko yung parang dati lang. Magaan. Wag ka nang ganyan ha?" I said and I gazed at him for a second before I turned my eyes to my hands again. "Bakit, ano ba ako ngayon?" Nathan asked, testing my words. "Ganyan. Alam mong prangka ako, at sasabihin ko na sa'yo. May nagbago sa'yo, hindi ko alam kung ano. Pero mas komportable ako kung babalik na lang tayo sa dati." Sabi ko, careful with my words. Naramdaman kong napahilamos si Nathan sa mukha n'ya bago bumaling ang tingin sa ibang direksyon. "Nothing's changed, Alice. Maybe you just misinterpret my actions. Pero walang nagbago sa akin. Baka naman ikaw ang nagbago, hindi mo lang napapansin." Nathan stated and I froze. Ako? Ako pa ba ang nagbago? Sa pagkakaalam ko, bukod sa nag-break kami ni Alex at parang nawalan na ng thrill ang buhay ko ay wala naman nang nagbago sa akin. Meron nga ba? I don't seem to notice it. Pero malamang na kung meron man ay hindi ko ito mapapansin dahil sarili ko ang kailangan kong obserbahan kung totoo man iyon. "Nathan..." "You know what? You think too much. If you want us to get back to the way we used to, fine. But make sure you won't regret asking this from me, Alice." Sabi ni Nathan bago tumayo at lumakad palayo. Buong akala ko ay aalis na s'ya pero tumungo s'ya papuntang kusina at bago s'ya makapasok doon, nilingon n'ya muna ako. "Ano pang hinihintay mo? Diba mahilig kang gumawa ng merienda para sa amin noon? Cook for me then, I'm famished." Nathan stated bago tumaas ang sulok ng labi n'ya. Saglit akong napatitig sa inasta n'ya pera maya-maya lamang ay napangiti na din ako. Right then, I knew the old Nathan was back at alam kong hindi na magiging mahirap para sa aming dalawa ang pakitunguhan ang isa't-isa... or so I thought. "Ano, okay na ba sa'yo yung chicken na nilagay ko o dadagdagan ko pa?" Tanong ko kay Nathan habang hinahalo sa isang katamtaman ang laki na bowl ang mga sangkap para sa palaman ng gagawing kong chicken sandwich na kakainin namin mamaya. Tiningnan ako ni Nathan saglit bago n'ya kinuha yung kutsara na ginagamit n'yang pangtikim sa ginagawa ko. "Eww." Sabi ko nang isawsaw n'ya iyong kutsara sa bowl para tikman ang mayo na may halong maraming pinaghimay-himay na chicken saka kinain iyon. Pinagtaasan n'ya ako ng kilay nang marinig ako. "Nandidiri ka?" Tanong n'ya and something tells me that I should say no pero para lang asarin s'ya ay tumango ako. "Oo, makamandag kasi yang laway mo. Baka malason ako." Sabi ko habang nakangisi at tumaas ang gilid ng labi n'ya. Parang may naglalarong kung ano sa isip n'ya at hindi ko man lang mahulaan iyon. "Alam ko nang makamandag ang laway ko Alice, no need to remind me that. As far as I know, lahat kasi ng nahalikan ko at nakatikim ng laway ko ay nai-in love sa akin." Mayabang n'yang pahayag at halos malukot ang mukha ko sa sinabi n'ya. Naalala ko tuloy yung time na hinalikan n'ya ako sa mismong sala n'ya. Pagkaalala noon ay halos pamulahan ako ng mukha kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring abala sa pagtapos ng merienda namin. Humalakhak naman si Nathan sa gilid ko at kung hindi lamang ako nahihiya ay nakurot ko na s'ya. "Oh, bakit ka natahimik d'yan? Doesn't seem much like you, ang tanda ko maingay yung Alice na 'kaibigan' ko." Sabi ni Nathan sa tonong nangaasar kaya kumuha ako ng tinapay sa gilid at agad iyong pinasak sa bibig n'ya. Napaatras naman s'ya sa ginawa ko pero nginuya naman ang tinapay na isinubo ko habang nakangisi. "Dami mong satsat, pumunta ka na nga lang doon sa sala. Isusunod ko na lang yung merienda pag tapos na." Sabi ko tapos ay inumpisahang himayin ang letuce na hawak. Saglit naman akong tinitigan ni Nathan pero hindi ako nagbalik tingin. Nang masiguro n'yang hindi ko talaga s'ya titingnan ay lumakad muna s'ya sa ref malapit sa amin at kumuha ng red apple doon saka tuluyan nang pumunta sa sala. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag ng marinig ang nagbukas na tv. Napabuga ako ng hangin, hindi akalaing kanina pa pala ako hindi humihinga ng maayos.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD