Epilogo CRISANTO SA AKING kagustuhan at pangangako sa sarili ko na titibok lang kay Bianca ang aking puso hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko ay narinig pa rin pala ito ng Bathaluma. Bago ako mahulog mula sa alapaap ay nangako ako sa sarili ko na kapag dumating ang pagkakataon na makita ko siya ay sa kanya lang titibok ang puso ko. Mula nang makita ko siya sa mall ay iba na ang naging pakiramdam ko. Hindi ko man maipahalata sa kanya ay nasisiguro kong bumilis ang t***k ng aking puso ng mga oras na iyon. Kaya naman sinundan ko siya kaagad sa cashier at nang lumabas siya ay sinundan ko rin siya kaagad at iniwan ang bestida doon. Ngunit huli na nang hindi ko siya mahagilap sa dami ng tao sa mall. Lumabas na ako kaagad at tinungo ang kinaroroonan ni Gretchelyn. Namulat ako sa kat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books