Kabanata XXXIII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga mambabasa na may edad 18 pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. CRISANTO NAKAGAPOS PA RIN ako sa isang punong kahoy nang makaidlip ako. Wala na akong nakita pang ibang mga pangyayari pa sa lugar na iyon hanggang sa makaidlip ako. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkakatulog nang gisingin ako ng isang boses na tila ba nagtatawag sa akin ng tulong. "Crisantoooo. Tulungan mo akoooo," sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae. Nagising akong bigla. "Bianca," nasambit ko ang ngalan niya. Bakit bigla kong narinig ang kanyang pagtawag sa akin? Bakit bigla ko na lang ulit siyang naririnig? Hindi ba't kanina ay ni wala akong tinig na marinig sa kahit na sinong ta