Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil sa mga sunod-sunod na sampal na tumama sa magkabila kong pisngi; halos namanhid ang buong mukha ko, nagdilim ang paningin, hanggang sa tuluyan na nga akong bumagsak, napahiga ang katawan sa lupa. Nalasahan ko na rin ang dugo sa loob ng bibig ko dahil sa lakas ng mga natamo kong sampal. I couldn't help but cry. Gayunpaman ay pinilit ko pa rin kumilos; itinukod ko ang siko ko sa lupa at marahan na bumangon bago naluluha na tumingala sa tito ng boyfriend ko na ngayo'y nakatayo sa harap ko. “Why did you slapped me? Ano bang kasalanan ko sa 'yo at… at ganyan ka kung manampal?” I asked, crying while looking at him. “Wala kang kasalanan, pero ang ama mo malaki. Napakalaki ng atraso sa akin ng hayop na 'yun; he killed my sister,” puno ng diin na sagot n