NAKABIHIS na ako at nakahiga na ng patalikod kay William. Tapos na nitong gamutin ang kanyang sugat, at ngayon ay nakahiga na sa tabi ko pero napakatahimik naman. Kung tutuusin ay matuwa ako dapat dahil nasaksak siya ng kanyang pamangkin, and he deserves it after all, sa mga ginawa niya pa lang pananakit sa akin ay kulang pang kabayaran ang pagsaksak sa kanya. Pero hindi ko magawang magsaya, bagkus ay nakaramdam ako ng konsensya at pag-aalala, lalo na kay Eros; sobra akong nakokonsensya. I'm sure sa mga oras na 'to ay nagsisisi na 'yun sa nagawang pagsaksak sa tiyuhin nang 'di sinasadya. And it's all my fault; dahil lang naman sa akin kung bakit nagawang saksakin ni Eros si William. Sino ba naman ang hindi magagalit kung makikita mo ang tiyuhin mo na may ginagawang milagro kasama ng gir