=LOGAN= MATAPOS ang blessing ay ng resto ni Tom ay umuwi agad ng apartment si Julia. Hindi ko rin siya napilit na sumama sa Las Vegas dahil uuwi daw siya ng bansang Pilipinas. Kaya naman ay hindi na rin ako tumuloy at syempre kasama ako ni Julia. Kung saan siya naroon dapat doon din ako kaya heto kami ngayon at magkasamang nakasakay sa passenger plane. Kasi hindi talaga siya pumayag na maghintay kami ng Montemayor private plane. Kaya tiis ako sa masikip na upuan dahil ang kinuha niya ay economy ticket. Kahit business class ayaw din niya siguro hindi lang ako madirekta na ayaw akong pasamahin. “Sweety, ang sikip ng upuan, pwede ba tayong mag request na lumipat kahi doon sa business class?” Hindi ko mapigilan ang magreklamo. “Lumipat ka kung gusto mo pero ako ay dito lang.” Hindi na lang