=LYRA= HINDI ko napigilan ang inis ko sa inaakto ni Aljon. Kaya hindi ko na namamalayan na nasasaktan ko na yata siya. Hindi ko alam kung bakit gano’n na lang ang inis niya sa kaibigan kong si Dr. Murrell. At kahit gusto ko siyang lapitan ay hindi ko naman basta maiwan ang ibang guest. Lalo na ng matanaw kong kausap niya si Heide. Akmang pupuntahan ko siya ng tawagin ako ni Mommy Anja. At wala akong nagawa ng nagsunod sunod na ang pagbati nila sa akin. Kaya hindi ko na nagawa pang lumabas upang puntahan ko ang aking asawa. Ang akala ko ay babalikan niya ako kaya nagpaalam na ako sa kaibigan ko. Ngunit nagtuloy siya sa pwesto ng mga kakambal ko. kaya naman ay napilitan na lang uli akong harapin at kausapin si Dr. Murrell. “Ate Sungit, nagpapakalasing si Kuya Aljon. ‘Di ba at bawal sa k