ANJA INGRID POV. ISANG linggo na ang nakalipas magmula nang manggaling kami sa boutique. At ngayon ay patungo kami sa bahay ng tito Lauro ni Andrius. Ang bunsong kapatid ng yumao niyang ina. Sa totoo lang ay ayaw kong sumama mula ng malaman ko ang tungkol kay Irene. Ngunit ayaw naman magpunta doon ng aking asawa kung hindi ako kasama. Kaya napipilitan akong samahan siya at ngayon ay naririto na kami sa harapan ng bahay nila. Isang two story type ang bahay ng tiyuhin ni Andrius at napakalaki n'on. Pagpasok pa lang namin ay nahalata ko na kaagad ang kakaibang tingin ni Irene sa aking asawa. Pero hindi ko iyon pinansin bagkus ay ngumiti pa ako sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang mapanuri niyang sulyap sa akin. Ako naman ay binabalewala lang ang lahat dahil malaki ang respeto ko s