=ELLENA= MABAGAL ang aking pag lakad habang kaagapay ko ang aking ama. At hindi ko mapigilan ang lumuha dahil sa kabila ng aking kasiyahan. Naroon ang matinding pag-asam na sana naroon ang aking ina. “Anak, alam kong ang luha mong yan ay dahil wala ang iyong Mama. Pero mula pa naman ng maliit ka ay alam mong tayong dalawa lang ang magkapamilya. Hanggang ngayon umaasa ka pa ba na darating siya?” “Hanggang sa pag-asa lang naman po ako, dahil alam kong hindi talaga siya darating. Ilang graduation ko na ang dumaan noon pero hindi siya talaga nagpakita sa akin. Kaya alam kong hindi rin siya pupunta sa mahalagang araw kong ito.” “Huwag ka ng umiyak at baka mabura ang make up mo ang isipin mo na lang ngayon. Kahit iniwan ka ng Mama mo ay may magandang nangyari naman sa buhay mo. Naging malaka