=JULIA= ANG sakit isipin na mawawala ang unang anak namin ng lalaking kaisa-isa kong minahal. At wala akong magawa kundi iyakan ang maaaring sapitin ng munting anghel sa aking tiyan. Gano'n pa man ay hindi ako sumusuko sa kaunting pag-asa na mabubuhay siya. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Dahan dahan akong nagbaling ng mukha sa taong kumaka-usap sa akin. At napilitan akong sumagot na okay lang kahit ang totoo ay hindi naman. "Dumating na si Logan at naroon siya sa chapel upang ipagdasal ang kaligtasan ng anak nyo." Tumango lang ako sa kanya, kahit paano ay naging okay ako na malamang nakarating na pala si Logan. "..... Kanina ay narito ang parents namin pero tulog ka kaya umuwi na muna sila at babalik na lang kapag nagising ka na. Nakausap na rin nila ang parents mo kaya maging panatag