=ALJON= HINDI ko inaasahan na malalaman ni Chairman ang sakit ko. Lalong higit ay si Lyra, sinikap kong mailihim sa lahat pero lumabas pa rin ang katotohanan. Noong maliit pa ako at nalaman ko na si Dra. Poster ang tanging doktor na hindi tumanggi sa sakit ko noon tapos napagaling niya ako. Itinuring ko na siyang pangalawang ina para sa akin. Kaya ng lumaki ako at nalaman ko na nawalan siya ng lisensya dahil sa isang pasyente na namatay ay nasaktan ako ng sobra para sa kanya. Kaya ngayon hindi ako papayag na mapagaya si Dra. Lyra sa Tita Zoey, nito. Siguro tama si Kuya Mau, baka nga noon pa lang ay may nakatago na akong feelings sa kanya. At noong magkita kaming muli at hinalikan niya ako ay nakaramdam ako ng kakaiba. At ngayon ay gusto niya akong operahan, syempre natuwa ako. Dahil