JAM POV. ARAW ng pagkikita namin ni partner upang magtungo kami sa isla. At kagaya ng usapan namin ay walang magbabago sa dating plano. Pag-landed sa rooftop ng resort ay nagmamadali na akong bumaba. At naiwan si partner sa taas dahil parte iyon ng plano. Pagdating ko sa living room ay wala akong nakita tao. Ngunit may kakaiba sa paligid kaya naman ay kumilos pa rin ako ng normal. Naglakad akong patungo sa kitchen at binuksan ang fridge. Sinadya kong tumapat sa window glass upang makita ko ang bandang likuran ko. “Hijo, nasaan si Anja?” “Nasa bahay po Yaya Mila, hindi maganda ang kalagayan niya ngayon. Siguro dahil sa paglilihi niya kaya ayon at laging tulog.” “Buntis ba siya?” “Opo, Yaya Mila, kaya nga hindi muna siya makakauwi dito hanggang hindi stable ang kanyang kondisyon. Mah