=LYRA= NAGTATAKA ako ng malaman ko kung sino ang pasyente na dinala ni Heide sa ospital. At ano ang nangyari kay Tita Thalia at bakit ang babaeng yon ang nagdala sa kanya? “Kanina ko pa tinawagan si Tita Zoey at Kuya Mau. Sigurado ay parating na rin sila dahil ang sabi sa akin ay nasa malapit lang daw si Tita Zoey. Si Kuya Mau naman ay talagang papunta dito dahil may usapan kaming dalawa." "Kung gano'n ay hintayin na natin sila bago ako mag-rounds sa baba." "Sige mahal, pero may bagay na hindi mawala sa aking isipan." "Ano yon?" "Nakakapagtaka lang kasi ‘di ba na sa Hawaii silang dalawa ni Tito Lexus?” “Yeah, kaya paano napunta si Tita Thalia dito sa Pilipinas. At anong kaugnayan ng babaeng yon sa kanya?” “Malalaman natin pagdating ni Tita Zoey at Tito Lexus.” Naputol ang usapan n