Chapter- 8

1102 Words
ANJA INGRID POV. NAIINIS talaga ako sa lalaking yon, akala yata talaga ay boss ang trato ko sa kanya. Hindi ba niya alam na iniinsulto ka siya? pero hindi yata tinatalaban ng salitang insulto. Sabagay abogado nga pala siya kaya sanay sa mga salitang gano’n. Isa pang nakakadagdag inis ko ay basta na lang niya ako hinahalikan. Puro panlalamang ang ginagawa niya sa akin porke’t hindi ako marunong lumaban. Kapag nakatakas talaga ako sa lalaking yon ay ipapakulong ko siya ng tuluyan nang mawala ang kanyang lisensya bilang lawyer. Kaya naman sa tuwina na naroon ako sa garden ay humahanap ako ng maaari kong daanan. Pero sa kasamaang palad ay talagang wala akong chance. Nagyuko ako ng ulo at sinubukan kung dumampot ng bato. Pagkatapos ay malakas na inihagis ko iyon sa labas ng pader. Ngunit hindi ko man lang narinig kung bumagsak ba yon sa lupa. Wala talaga akong pag-asa na makalabas ng haunted house na 'to. Isang araw, kagigising ko lang at nakasuot ako ng puting pantulog. Mahaba iyon at hanggang sa mga paa ko. Hinayaan ko rin na nakalugay ang aking mahabang buhok. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto ko at naglakad sa pasilyo. Sa hagdanan ako dumaan pababa, bihira ko iyong gawin dahil nakakapagod. Pero ngayon parang mas’ gusto kong doon muna dumaan. At pagkababa ko ng hagdan ay lumabas muli ako sa isa pang pintuan. Subalit may lalaki akong nakita at alam kong nagkatinginan pa kaming dalawa. Akmang magsasalita ako ngunit biglang kumaripas ng takbo palabas ng pinto. Habang nagsisigaw, na may multo raw. At sa halip na makaramdam ako ng inis ay natawa na lamang ako. Pero teka sino kaya ang lalaking yon, kailangan ko siyang makausap upang makahingi ako ng tulong. Kaya nagmadali akong humakbang pasunod kung saan tumakbo ang lalaki. Subalit hindi ko na siya nakita pa, kaya naman ay nagtungo na lang ako sa kitchen. Subalit nagbago ang aking isipan at bumalik na lamang ako sa aking kwarto. Isa pa siguradong hindi rin ako tutulungan ng lalaking yon kung sakaling akin siyang kausapin. Dahil nakakasiguro ako na kaibigan siya ni Attorney. Pero hindi mawala sa aking isipan ang reaksyon ng lalaking yon. Lalo pa ang pagsigaw niya ng multo. Sumilip ako sa beranda at tumanaw sa ibabang bahagi ng haunted house. Nakita kong naroon sila at magkausap. Kaya umalis na lamang ako at bumalik sa loob. Mabuti pang mahiga na lang muna dahil siguradong pag-alis ng kaibigan ni Attorney ay ako naman ang pagdidiskitahan ng lalaking yon. Hindi ko alam kong matagal akong natulog ngunit ginising ako ng tapik sa aking balikat. “Bumangon ka riyan at ipaghanda mo ako ng makakain.” “Masusunod po kamahalan,” at tumayo na ako mula sa aking higaan. Subalit pag hakbang ko ay natapakan ko ang laylayan ng aking suot na damit at napapikit na lamang ako dahil alam kong sa sahig ako babagsak. Ngunit agad rin akong napamulat ng sa mainit na bagay ako pumatak. “Napaka lampa mo, paano kung hindi kita nasalo at humataw ang ulo mo sa sahig?” Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa lakas ng kanyang sigaw. At nang sulyapan ko siya ay kitang kita ko ang kakaibang takot sa kanyang mga mata. “Masyado kang maka-react! Ang baba ng babagsakan ko kahit sa sahig pa ako mahulog huh!” at tinulak ko siya ng malakas, para kasing walang balak na bitawan ako. “Kahit mababa ang babagsakan mo, sa tigas ng tiles ay siguradong masasaktan ka…. “Wow! Feeling concern ka yata boss? Huwag kang mag-alala at masama akong damo. Hindi raw agad kinukuha ni Papa God, ang mga kagaya ko. At pwede ba, ano naman sayo kung mamatay…. Subalit naputol ang iba ko pang sasabihin ng halikan niya ako. Takte talaga ang lalaking ‘to, bakit ba ang hilig niyang manghalik? At parang walang plano na bitawan ang labi ko. Hindi na ako makahinga at kapag lumampas pa ng ilang minuto ay siguradong mamamatay ako. Sabagay mas’ mabuti na rin yon nang hindi na kami magkita ng lalaking ito at hindi na niya ako magawang paglaruan. “Sh*t! Aji, are you okay?” naririnig ko ang sinasabi niya ngunit hindi ko mawatasan dahil naghahabol ako sa aking paghinga. Hindi ko na rin napansin na umiiyak pala ako. Ganito pala ang pakiramdam ng nalulunod sobrang sakit sa dibdib. “I’m sorry, hindi ko sinasadya.” Dama ko ang mga haplos niya sa aking likuran habang minamasahe niya ang aking dibdib. At sa puntong yon ay may kakaiba akong nararamdaman. Kaya ng maging okay na ang paghinga ko ay malakas ko siyang tinulak palayo. “Nananantsing ka eh! Bakit mo hinawakan ang aking dibdib?” Subalit sa halip na sumagot ay niyakap pa niya ako. “I’m so sorry, nakalimutan kong hindi ka na pala makahinga.” “Bitaw nga! Nakakarami ka na ah! Kanina naghahalik ka tapos makamasahe ka sa aking dibdib ay wagas at ngayon naman ay payakap yakap ka pa!” at mabilis akong kumawala sa kanya pagkatapos ay tumakbo na akong palayo. Pagdating ko sa kitchen ay nagsimula na akong magluto. Siguro naroon pa ang bisita ni Attorney, kaya dinagdagan ko ang mga lulutuin. Mamaya ay sisigawan na naman niya ako kapag kulang ang pagkaing ihahain ko sa table. Nasa kalagintaan ako ng maghihiwa sa mga ingredients nang marinig ko ang malakas niyang boses. Ngunit hindi ko siya pinansin dahil ayaw kong makipag-usap sa manyakis. At pinagpatuloy ko ang aking ginagawa subalit muli siyang sumigaw. Kaya naiinis akong humarap sa kanya at malakas ko rin siyang sinigawan. “Bakit ano ba ang problem among manyak ka….?” At saka ko lang na-realize kung ano ang salitang lumabas sa aking bibig. “Kaya pala ganyan ang suot mo dahil nagpapamanyak ka sa akin?” Hindi ako nakapagsalita at mabilis kong pinasadahan ng tingin ang aking suot. At napamura na lang ako ng maalalang wala pala akong suot na bra. Inaalis ko nga pala iyon kaninang humiga ako. Dahil kapag nahihiga ako lalo na kung matutulog ay inaalis ko talaga ang aking bra. Sapagkat masama raw matulog ng nakasuot ng bra at magkakasakit ng cancer…. W-wait nakakaalala na ako? mabilis akong pumikit at sinikap na alalahanin ang iba pang detalye ng buhay ko. Subalit biglang naglaho at bumalik na naman ako sa dati. Pagmulat ko ay nakakunot-noo si Attorney habang nakamasid sa akin. Marahil ay nagtataka siya kung bakit panandalian akong pumikit pagkatapos ay salubong ang aking kilay. “A-Anong nangyayari, may masakit ba sayo?” Alam kong tunay ang pag-alaala niya sa akin kanina. Ngunit bakit ayaw niya akong pauwiin sa amin kung talagang concern siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD