=LOGAN= ILANG beses kong binabalikan sa aking isipan ang nangyari sa amin ni Jeanne. Bakit gano’n parang familiar ang init na hatid ng kanyang katawan. Gano’n din ang mga ungol at daing niya habang binabanggit ang aking pangalan? “Naka ilan ka ba at parang tulala ka pa rin hanggang ngayon?” Biro pa ng kaibigan ko habang pakindat kindat na nakatingin sa akin. “Tigilan mo ako Pareng Ralf, meron akong iniisip kaya ganito. At walang kinalaman kung naka ilan ako o walang nangyari. Ang hindi mawala sa isipan ko ay parang familiar ang presensya niya sa akin.” “Naku, talagang malaki na ang tama mo sa kanya, Pareng Logan. Kapag ganyan ang mga tema ng pananalita ay napaghahalataan na sa kanya umiikot ang lahat sayo.” “Tado! Kung ano-anong iniisip mo huh!” “Aba ay mukhang tuluyan mo ng nakalim